Unang pabahay program sa pagitan ng Kabayan party-list at DHSUD, itatayo sa Quezon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Kabayan party-list Rep. Ron Salo sa magiging resulta ng kasunduan sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Kabayan party-list para sa pabahay ng mga OFW at health care workers.

Biyernes nang lagdaan ni Salo at DHSUD Sec. Jerry Acuzar ang Memorandum of Agreement para maging katuwang ng ahenysa ang party-list group sa Pambansang Pabahay para sa mga OFW Program.

Batay sa kasunduan ang Kabayan party-list ang magbibigay ng listahan sa DHSUD ng mga posibleng benepisyaryo gayundin ang mga dokumentong kailangan.

Ayon kay Salo, sinumulan na nila ang proseso ng pagpapasa ng mga dokumento at verification para sa mga aplikante.

Ang unang housing project naman ay itatayo sa Calauag, Quezon.

“Consistent with our advocacies in Kabayan Party-list, our target beneficiaries are marginalized communities which include OFWs and seafarers, public health workers, midwives, and volunteer groups. These groups, though often overlooked, will be at the forefront of our housing initiatives,” sabi ni Salo

Sa ilalim ng 4PH program ng Marcos Jr. administration, target na makapagpatayo ng nasa 6 na milyong abot kayang pabahay sa loob ng anim na taon.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us