‘Undas Bantay Presyo’ sa mga kandila, bulaklak,  at mga bottle water sa lalawigan ng Pangasinan, ipinapatupad ng DTI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang mahigpit na monitoring sa presyo ng mga bottled water, mga kandila, at bulaklak sa kanilang ‘Undas Bantay Presyo’ para sa nalalapit na All Saint’s Day at All Souls’ Day sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Dagupan kay DTI Pangasinan OIC Consumer Protection Division Guillermo Avelino Jr, inuna nilang tinungo ang mga terminal ng bus sumunod ang mga pamilihan, supermarket, mga gumagawa at nagbebenta ng bulaklak maging mga nagbebenta ng mga kandila malapit sa sementeryo ng Dagupan City upang matiyak na walang mananamantala sa presyo pagdating ng Undas.

Aniya base sa kanilang pag iikot ay mahigpit namang sumusunod ang mga vendors sa itinakdang Suggested Retail Price ng DTI.

Sinabi pa ni Avelino na pinayuhan na rin nila ang mga Negosyo center councilors na umikot sa iba’t ibang bayan para matukoy kung sapat ang suplay ng naturang mga produkto at tama ang presyo ng mga ito.

Sa ngayon ay nasa P20.00 ang pinakamurang bulaklak habang naglalaro naman sa P150.00 hanggang P250.00 ang pinakamahal na bentahan sa Dagupan City.

Muli namang nagpaalala ang DTI sa mga vendors na huwag samantalahin ang pagkakataon at huwag mag overprice dahil posibleng managot ang mga ito.| ulat ni Verna Beltran | RP1 Dagupan

📸 DTI PANGASINAN

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us