Unutilized fund ng mga ahensya ng gobyerno, dapat gamiting pang-ayuda sa mga mahihirap na Pilipino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI), na gamitin ang kanilang mga unutilized fund o mga hindi pa nagagamit na pondo para matulungan ang mga Pilipino na makaagapay sa pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Ito ay sa gitna na rin ng kaguluhan sa Israel na inaasahang makakaapekto sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Binigyang-diin ni Go na kapag tumaas ang presyo ng langis ay tiyak na magsusunuran ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Kaya naman dapat aniyang magkaroon agad ng government intervention, lalo na para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Pinunto ng senador na malapit nang matapos ang taon kaya naman kung may natitira pang pondo ang mga ahensya na maaaring ibigay na pang ayuda sa mga mahihirap ay dapat na itong ilabas at ibigay ang nararapat na tulong mula sa gobyerno. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us