US at PH Navy, nagsagawa ng joint Maritime Exercise Concert sa Legazpi City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng kasalukuyang nagaganap na joint maritime exercise ng Philippine at US Navy o SAMASAMA 2023 sa buong bansa, matagumpay na naisagawa ang tatlong araw na konsyerto sa Legazpi Albay kung saan tampok ang mga banda mula sa US at Philippine Navy.

Nagtanghal ang Philippine Navy Seabees Ban tampok ang mga Original Pilipino Music o OPM. Ibinida rin nila ang kanilang sariling komposisyon na kanta na talaga namang pinalakpakan ng mga Albayano.

Ipinamalas naman ng US 7th Pacific Fleet na may walong miyembro ang kanilang talento. Kaniya-kaniyang pasiklaban gamit ang mga dekalidad na instrumento.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas ang samahan sa pagitan ng naval forces ng dalawang bansa. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us