US Defense Sec. Austin at Sec. Teodoro, nagkasundo na palakasin ang US-Philippine Engagement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-usap sa telepono ngayong araw si Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro at US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ito’y kasunod ng pagbibigay ng personal na katiyakan ng Pangulo ng Estados Unidos kahapon na “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pililinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Sa joint statement ni Teodoro at Austin, kapwa ni-reaffirm ng dalawang opisyal na saklaw ng MDT ang public vessels, aircraft, armed forces, at coast guard ng dalawang bansa, saan man sa Pasipiko, kabilang ang West Philippine sea.

Napag-usapan ng dalawang opisyal ang pinakahuling insidente ng panggugulo ng China sa resupply mission ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kung saan nagpahayag ng suporta si Sec. Austin sa Pilipinas.

Nagkasundo ang dalawang opisyal na palakasin pa ang RP-US engagement kabilang ang kooperasyon militar, kasunod ng matagumpay na “bilateral sail” ng Phil. at US Navy sa karagatan ng Palawan noong nakaraang buwan.

Kapwa inaasahan naman ng dalawang opisyal ang kanilang personal na pagkikita sa nalalapit na ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM)-Plus sa Jakarta, Indonesia. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us