Personal na tiniyak ni US President Joe Biden na ipagtatanggol ng Estados Unidos ang Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
Ang pagtiyak ay ginawa ng President Biden sa joint press conference kasama si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Washington DC.
Dito’y tinukoy ni President Biden ang ginawang mapanganib at ilegal na pagkilos ng mga barko ng China laban sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng regular na resupply mission sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Binigyang diin ni Biden, na “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
Babala ni Biden, ang anumang armadong pag-atake sa aircraft, vessels, o armed forces ng Pilipinas ay magiging dahilan ng pag-invoke ng tratado. | ulat ni Leo Sarne