Uwing investment deal ni PBBM mula sa Saudi Arabia, pinapurihan ni Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na biyahe ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa Saudi Arabia kung saan naselyohan ang bilyun-bilyong dolyar na halaga ng pamumuhunan.

Ayon kay Romualdez ang kabuuang US$4.26 billion investment deal na nilagdaan ng Pilipinas at Saudi ay pakikinabangan ng tinatayang 300,000 manggagawang Pilipino.

Bukod pa ito sa inihayag na interes ng mga negosyante na mamuhunan sa Maharlika Investment Fund.

Ayon kay Speaker Romualdez ang mga nakuha ng bansa sa pagbisita ni Pang. Marcos sa Saudi ay patunay ng lumalaking kumpiyansa sa Pilipinas bilang pangunahing destinasyon ng dayuhang pamumuhunan bunsod ng positibong klima sa ekonomiya at liderato ng bansa.

“His dedication, exceptional diplomatic finesse and vision for our nation’s future have resulted in tangible benefits for our country and our people, and we eagerly anticipate the positive impact these achievements will have on the Philippines’ growth and prosperity,” sabi ni Romualdez

Kinilala rin ng House leader ang pakikipag-ugnayan ng Chief executive sa mga miyembro ng GCG para tulungan ang mga bansa sa Southeast Asia upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng produktong petrolyo at fertilizer.

Isa pa sa pinuri ni ng House Speaker ang mabungang resulta ng pulong nina Pang. Marcos at Kuwaiti Crown Prince lalo na pagdating sa ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng empleyo.

Matatandaan na sinuspinde ng Kuwaiti government ang pagbibigay ng entry at work visa sa mga Pilipino dahil sa hindi umano pagsunod ng Pilipinas sa mga napagkasunduan.

Ipinagbawal naman ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga first-time household service sa Kuwait bunsod ng pamamaslang at panununog sa OFW na si Jullebee Ranara.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us