Vice Pres. at Education Sec. Sara Duterte, pangungunahan ang programa para sa National Teacher’s Day sa Butuan City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang pangunahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang programa para sa National Teacher’s Day sa Butuan City ngayong araw.

Dito, inaasahang muling bibigyang-diin ni VP Sara ang pangako ng Department of Education (DepEd) para sa mga guro sa ilalim ng MATATAG Agenda

Ngayong umaga, tutungo ang Pangalawang Pangulo sa Fr. Saturnino Urios University – Morelos Campus sa Butuan City kung saan gagawin ang mga programa kaugnay ng okasyon.

Una rito’y naging panauhing pandangal din si VP Sara sa ika-122 anibersaryo ng Police Service sa Agusan del Norte Provincial Police Office kahapon.

Dito, muling binigyang-diin ng Pangalawang Pangulo ang kahalagahan ng confidential funds para tiyakin ang seguridad at pag-unlad ng bansa.

Binigyang-diin pa nito na tulad ng edukasyon, dapat ding protektahan ng buong lakas at buong giting ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us