Vice President at Education Sec. Sara Duterte, dumalaw sa burol ng nasawing Grade 5 student sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalaw ngayong araw si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa burol ng Grade 5 student na nasawi dahil umano sa pananampal ng kanyang guro sa Antipolo City.

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si VP Sara sa naiwang pamilya ni Francis Jay Gumikib, 14 na taong gulang.

Kasama ni VP Sara na dumalaw sa burol si Department of Education Undersecretary Michael Poa.

Kaugnay nito ay nagpaabot din ng pakikiramay ang Rizal Police Provincial Office.

Tiniyak naman ng Rizal PNP, na tinututukan nito ang imbestigasyon at patuloy na magbibigay ng kinakailangang tulong sa pamilya ng biktima.

Batay sa death certificate na inilabas, namatay si Francis dahil sa global brain edema at acute intraparenchymal hemorrhage or pagdurugo sa brain tissue. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us