Visayas Command, nag-deploy ng 4 na karagdagang platoon sa Negros Oriental para sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) ng karagdagang apat na platoon na katumbas ng 120 sundalo sa Negros Oriental.

Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, ang karagdagang tropa ay pandagdag sa kasalukuyang pwersa ng AFP na naka-deploy sa lalawigan para sumuporta sa law enforcement operations ng Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (COMELEC).

Nilinaw naman ni Arevalo na “under control” ang sitwasyon sa Negros Oriental at ang dagdag pwersa ay bilang paniguro lang.

Matatandaang ang buong Negros Oriental ay isinailalim sa COMELEC control para sa kabuuan ng election period.

Kasunod na rin ito ng pagpatay Governor Roel Degamo noong Marso at dahil na rin sa iba pang insidente ng karahasan sa lalawigan. | ulat ni Leo Sarne

📷: VISCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us