Pinababantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kinauukulan ang patuloy na takbo ng isinasagawa pa ring halalan ngayong araw na ito.
Sa panayam sa Punong Ehekutibo, sinabi nitong isa sa kaniyang pinatututukan ang talamak pa ring ‘vote buying’ na dapat mapigilan ng mga awtoridad.
Ang utos ng Pangulo kaugnay nito’y, puntahan agad ng pulis at COMELEC ang lugar kung saan may matanggap na sumbong ng pamimili ng boto ngayong hindi pa tapos ang botohan.
Sa ‘hot spot areas’ ang karamihan ang ulat na nakararating na talamak ang ‘vote buying’ na tiyak din naman aniyang binabantayan ng Commission on Elections.
Pag-amin ng Presidente, may mga sumusubok pa ding magbenta at mamili ng boto na kahit sa kanyang lalawigan sa Ilocos Norte ay may insidente ng ‘vote buying’. | ulat ni Alvin Baltazar