VP at DepEd Sec. Sara, tiniyak na pabibilisin ang kaso sa pagkamatay ng grade 5 student mula sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan na lang hanggang bukas ng Department of Education ang Regional Office nito para tapusin ang fact finding investigation sa kaso ng pagkamatay ng Grade 5 student na si Francis Jay Minggoy Gumikib.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte, kailangan nang makapagsampa ng kaso sa may kinalaman sa pagkamatay ng estudyante.

Pinag-uusapan din ang posibleng pagsampa ng kasong child abuse dahil sa pananampal.

Sa kanyang pagbisita sa burol ng bata, siniguro ni VP Sara sa mga magulang ng biktima na pabibilisin nito ang proseso sa kaso.

Tutulungan din ng DepEd ang mga magulang ng bata sa paghahain ng mga kasong kriminal kapag may basehan ito sa ebidensya at autopsy result.

Bukod pa dito ang kaloob na tulong na agarang isailalim sa Psychological First Aid ang mga magulang at mga kapatid ng namatay.

Hinimok din ni VP Sara ang mga magulang na ipagpatuloy ang pag-aaral ng iba pang kapatid ni Francis. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us