VP Sara Duterte, binigyang diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga industriya at sektor ng edukasyon upang mas mapabuti kalidad ng edukasyon sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang industriya at sektor ng edukasyon upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ito ang mensahe ni VP Sara sa kaniyang pagdalo sa ginanap na 18th Philippines Semicondutor and Electronics Convention and Exhibition sa World Trade Center sa Pasay City.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, malaki ang naiambag ng semiconductor at electronics industry sa ekonomiya ng bansa gaya ng paglikha ng trabaho, technological advancements, at research and development.

Ngunit aniya, may potensyal pang lumago ang naturang industriya at malaki ang maitutulong dito ng edukasyon.

Kaugnay nito, maaari aniyang makipagtulungan ang mga educational institution sa mga eksperto ng industriya at stakeholder, upang matiyak na ang kanilang pangangailangan ay alinsunod sa demand ng semiconductor at electronics industry.

Sa huli, hinimok naman ni VP Sara ang mga lider ng semiconductor at electronics industry, na makipagtulungan sa pamahalaan para sa ikabubuti ng sektor ng edukasyon at workforce development ng bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us