VP Sara Duterte, bumisita sa COMELEC para silipin ang paghahanda sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita sa Commission on Elections (Comelec) si Vice President Sara Z. Duterte ngayong tanghali, para silipin ang Operations Center ng Comelec sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Layon din ng pagbisita ni VP Sara na alamin ang mga huling paghahanda ng Comelec sa darating na halalan.

Alas-tres dapat naka-schedule ang pagbisita ng bise presidente, pero bago mag-alas dose ngayong tanghali ay dumating na siya sa Comelec office.

Bandang alas-12:30 naman ng tanghali ay lumabas na ito ng Comelec building at dumiretso sa Manila Cathedral.

Samantala, maya-maya lamang ay haharap naman sa isang press conference si Comelec Chairman George Erwin Garcia para magbigay ng detalye sa naganap na pagbisita ni VP Duterte.| ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us