VP Sara Duterte, nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng mga kinahaharap na hamon ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kaniyang mga tagasuporta ilang araw matapos tanggalan ng confidential fund ang Office of the Vice President at ang Department of Education.

Sa isang pahayag, sinabi ni VP Sara na itinuturing niyang inspirasyon at lakas ang patuloy na paniniwala ng kaniyang mga tagasuporta para ipagpatuloy ang paglilingkod sa bayan.

Batid ng Pangalawang Pangulo na maraming dismayado at galit sa mga usapin tulad ng pakikialam sa pondo partikular na ang usapin ng ‘confidential fund’.

Maliit lamang aniya ang hamon sa pamumulitika kumpara sa mga mas malalaking problema gaya ng epekto ng posibleng paglala ng sitwasyon sa Israel at ang tumatagal ding digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Kasunod nito, hinikayat ni VP Sara ang kaniyang mga tagasuporta na paghandaang maigi ang mas mabibigat na hamon sa mga darating na panahon gaya ng kahirapan bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Giit pa ng Pangalawang Pangulo, may oras para sa lahat ng bagay at hindi ito ang panahon ng pamumulitika kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagiging handa para sama-samang harapin ang mga darating na hamon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us