VP Sara Duterte, tiniyak ang tulong sa pamilya ng nasawing Grade 5 student sa Antipolo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si Vice President at Education Secretary Sara Dutere na tutulungan ang pamilya ni Francis Jay Gumikib, ang grade 5 student sa Penafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi matapos ang pananampal umano ng guro.

Ito ay kasunod ng pagdalaw ni VP Sara sa burol ni Francis.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, kabilang sa mga napag-usapan nila ng magulang ni Francis ang mga susunod na gagawing hakbang.

Tiniyak ni VP Sara na tutulungan ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang ni Francis sa paghahain ng kasong kriminal sa mga kinauukulang awtoridad batay sa magiging resulta ng autopsy.

Magbibigay din ang DepEd ng Psychological First Aid para sa mga magulang at mga kapatid ng biktima.

Hinikayat din ni VP Sara ang mga nakatatandang kapatid ni Francis na tumigil sa pag-aaral na bumalik sa paaralan sa pamamagitan ng DepEd Alternative Learning System (ALS).

Pinag-usapan din na isailalim sa blended learning ang nakababatang mga kapatid ni Francis na na-trauma sa pangyayari at nahihirapang bumalik sa eskwelahan.

Sa ngayon, hinihintay ang resulta ng ginawang autopsy upang matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng estudyante. | ulat ni Diane Lear

📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us