Hinikayat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga guro na maging matatag sa kabila ng mga hamon na kinakaharap sa pagtuturo at paghubog ng mga kabataan.
Ito ang mensahe ng Pangalawang Pangulo sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day ngayong araw.
Ayon kay VP Sara, mahalagang maging matatag ang mga guro upang magsilbing inspirasyon sa mga mag-aaral. Aniya, ang matatag na guro ay makalilikha ng matatag na mga mag-aaral.
Dagdag pa ni VP Sara, hindi lamang dapat maging matatag sa loob ng silid-aralan, ngunit dapat taglayin din ito ng mga guro sa iba pang aspeto ng kanilang buhay gaya sa kanilang pamilya at komunidad.
Kasabay nito ay kinilala rin ng Pangalawang Pangulo ang tungkulin ng mga guro sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataan at mga ginagawa nito para sa kinabukasan ng bayan.
Tiniyak din ng kalihim na ginagawa ng Department of Education ang lahat upang tugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga guro. | ulat ni Diane Lear