World Bank, nagpahayag ng interes na maging ka-partner ng Pilipinas sa iba pang mga oportunidad sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong si Finance Secretary Benjamin Diokno kay World Bank Group (WBG) Managing Director for Operations Anna Bjerde sa sidelines ng 2023 World Bank -International Monetary Fund Annual Meeting sa Marrakech, Morocco.

Tinalakay ni Bjerde kay Diokno ang ginagawa ngayon ng World Bank upang mapadali ang proseso at execution ng pag-apruba ng mga proyekto.

Titiyakin ng naturang hakbang na mapabilis ang pag-deliver ng mga development projects sa iba’t ibang mga bansa.

Binigyang diin ng Managing Director ang interes ng WB na tuklasin ang iba pang area of partnerships and private capital mobilization opportunities sa Pilipinas.

Partikular dito ang sektor ng digitalization at renewable energy kasunod ng matagumpay na pagpupulong ni WBG President Ajay Banga at President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Jakarta, Indonesia. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us