Xavier School sa Barangay Green Hills, San Juan City, mabilis na natapos sa pagbibilang ng boto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado alas-6 ng hapon natapos na ang bilangan ng boto sa Xavier School sa Barangay Green Hills sa San Juan City.

Ayon sa nakapanayam ng Radyo Pilipinas na si DepEd Supervisor Officer Canna Maravilla, nasa 50 lang kasi ang bumoto sa mga presinto sa kabuang 20 mga presinto.

Dito rin bumoto kanina si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sa ngayon, magco-convene na ang Barangay Board of Canvassers at mamaya lang ay inaasahang maipo-proklama na ang nanalong mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Pero isa lang kasi ang tumakbong kapitan, ito ‘yung kasalukuyang punong barangay. Kaya sureball panalo pati sa kagawad at SK chairman.

Target naman makapag-proklama na ng mga nanalong kandidato mamayang alas9 o alas-10 ng gabi.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us