Zamboanga Peninsula Exposition, bubuksang muli ngayong Oktubre sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng mga aktibidad ng Zamboanga Hermosa Festival ngayong buwan ng Oktubre sa lungsod ng Zamboanga, inaasahang magbabalik muli ang Zamboanga Peninsula Exposition o ZAMPEX 2023 na tinaguriang pinakamalaking trade fair sa Region 9.

Tampok sa trade fair na ilulunsad ng Department of Trade and Industry 9 sa darating na Oktubre 6-8, 2023 sa isang mall sa siyudad ang iba’t ibang produkto ng mga lokal na negosyante o mga micro,small and medium enterprises o MSMEs sa rehiyon.

Ang Zamboanga Peninsula Exposition ay ang taunang regional trade fair ng DTI na sinimulan noong taong 2014 at isinasagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Hermosa Festival sa Zamboanga City. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga

đŸ“· DTI 9

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us