Nag-alok ng libreng sakay para sa publiko ang Police Regional Office 5 kasunod ng apat na araw na tigil-pasada na ikinasa ng grupong PISTON sumula ngayong araw.
Sa ilalim ng direktiba ni PRO5 Regional Director, PBGen Westrimundo D. Obinque, nasa 100 sasakyan ng PNP Bicol ang ipapakalat sa buong rehiyon para maghatid ng libreng transportasyon sa mga commuters na apektado ng transport strike.
Ang distribusyon ng mga sasakyan ay magiging dalawa mula sa Regional Headquarters; 15 sa Albay, 14 sa Camarines Norte, 25 sa Camarines Sur, 20 sa Masbate, 15 sa Sorsogon PPO, at 9 sa Naga CPO.
Higit pa rito ang karagdagang 127 patrol cars na itinalaga para sa operasyong pang-seguridad at kaligtasan.
Samantala, magtatalaga rin ang PNP Bicol ng mga personnel para magsagawa foot, mobile, motorcycle at checkpoint patrol para tugunan ang mga hindi inaasahang insidente.
Nangako naman ang PRO 5 ang PRO5 na magsasagawa ng maximum tolerance sa buong welga habang binibigyang importansya ang pagbibigay ng nararapat na pribilehiyo sa grupong PISTON na ipahayag ang kanilang mga alalahanin at damdamin nang mapayapa.| ulat ni Garry Carl Carillo| RP1 Albay