Speaker Romualdez nagbigay ng tulong sa pamilya ng pinaslang na radio broadcaster na si Juan Jumalon

Nagpaabot ng tulong si Speaker Martin Romualdez sa naiwang pamilya ni Juan Jumalon, ang radio broadcaster na pinaslang habang nagpo-programa sa Calamba, Misamis Occidental. Aniya, batid niyang mahirap bumangon mula sa trahedya lalo at si Jumalon ang breadwinner ng pamilya. “After suddenly losing a breadwinner, it’s really difficult for a family to pick up the… Continue reading Speaker Romualdez nagbigay ng tulong sa pamilya ng pinaslang na radio broadcaster na si Juan Jumalon

Mga 4Ps beneficiary, maaari nang mag-apply ng Low-Income Lifeline Rate sa Maynilad

Simula bukas, Nobyembre 13, 2023, maaari nang mag-apply ng Low-Income Lifeline Rate ang mga beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang Low-Income Lifeline Rate ay karagdagang discount na ibibigay sa residential at residential bulk customers na kumukunsumo ng 10 cubic meters pababa  kada buwan at kabilang din sa marginalized sector kapag naaprubahan ang kanilang… Continue reading Mga 4Ps beneficiary, maaari nang mag-apply ng Low-Income Lifeline Rate sa Maynilad

Huling batch ng mga mag-o-oathtaking na bagong halal na Barangay officials sa Maynila isinasagawa ngayong araw

Nagdatingan na ngayong araw sa Manila Barangay Bureau sa Arroceros sa Maynila ang huling batch ng barangay officials na nanalo sa katatapos lamang na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) para isagawa ang kanilang signing of oath of office. Kabilang sa huling batch ay ang mga Barangay Kagawad mula sa District 3 at 4 ng… Continue reading Huling batch ng mga mag-o-oathtaking na bagong halal na Barangay officials sa Maynila isinasagawa ngayong araw

Pagpapalapad sa Northbound lane ng NLEX, tatapusin sa Disyembre-NLEX

Target tapusin ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX) ang Meycauayan Decongestion Project bago magpasko ngayong Disyembre 2023. Ayon sa NLEX Corporation, kanila nang sinimulan ang proyekto sa tulong ng Meycauayan local government unit. Isinasagawa ang road widening para sa isa pang lane ng Meycauayan Northbound Exit sa F. Raymundo sa Barangay Pandayan. Kapag natapos ang… Continue reading Pagpapalapad sa Northbound lane ng NLEX, tatapusin sa Disyembre-NLEX

PNP Taguig, sinabing walang foul play sa trahedyang ikinamatay ng dalawang babaeng estudyante sa lungsod

Ipinahayag ng Philippine National Police ng Taguig City (PNP-Taguig) sa inilabas nitong statement na batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon na walang foul play na naganap kaugnay ng trahedyang nauwi sa pagkamatay ng dalawang babaeng high school student sa isang paaralan sa lungsod. Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police-Sub-Station 6, dakong alas-11:00 ng… Continue reading PNP Taguig, sinabing walang foul play sa trahedyang ikinamatay ng dalawang babaeng estudyante sa lungsod

Bulkang Mayon, mataas pa rin ang aktibidad, ayon sa PHIVOLCS

Nananatili pa ring mataas ang aktibidad ng Mayon Volcano sa Legaspi, Albay. Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ang bulkan ng volcanic earthquake, 97 na volcanic tremors na tumagal ng 35 minuto,105 rockfall events at 3 Pyroclastic Density Current events (PDCs). Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagbuga pa… Continue reading Bulkang Mayon, mataas pa rin ang aktibidad, ayon sa PHIVOLCS

7 mechanisms ng Intergovernmental Relations Body (IGRB) sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, matagumpay nang naisumite

Matagumpay ang National Government-Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) sa pangunguna nina Department of Budget and Management (DBM) Amenah Pangandaman at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Minister Mohagher Iqbal sa pagsusumite ng lahat ng pitong mekanismo ng IGRB sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law. Ang ika-16 na pagpupulong ng IGRB, na ginanap sa… Continue reading 7 mechanisms ng Intergovernmental Relations Body (IGRB) sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, matagumpay nang naisumite

Driver at operator ng colorum passenger van, kinasuhan ng LTO

Sinampahan ng kasong kriminal ng Land Transportation Office ang driver at may-ari ng colorum passenger van sa gitna ng agresibong anti-colorum campaign ng ahensya sa buong bansa. Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, kasong paglabag sa Republic Act 11659, o ang Public Service Act ang isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa driver… Continue reading Driver at operator ng colorum passenger van, kinasuhan ng LTO

Babaeng suspek sa human trafficking arestado ng mga kawani ng PCG

Matagumpay na nasakote ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang babaeng suspek sa human trafficking matapos subukan nitong tumawid ng dagat lulan ng isang RoRo passenger vessel mula Iloilo papuntang Maynila. Kinilala ang suspek na si Alissa May Ropenta, o mas kilala bilang “Ate Saysay,” sa loob ng MV Maligaya patungong Manila… Continue reading Babaeng suspek sa human trafficking arestado ng mga kawani ng PCG

Mga pamilyang nasunugan sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng NHA

Nasa 25 pamilya na nasunugan sa barangay Manresa, Quezon City ang binigyan ng tulong pinansiyal ng National Housing Authority (NHA). Ayon kay NHA Quezon City District Office Community Support Services Chief Marivic Concepcion, bawat pamilya ay nakatanggap ng tig P30,000 para sa kabuuang P750,000. Ang bigay na tulong ay ginawa sa ilalim ng Emergency Housing… Continue reading Mga pamilyang nasunugan sa Quezon City, binigyan ng tulong pinansiyal ng NHA