Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

Pasado na sa House Committee on Appropriations ang panukala para i-tap ang sobrang pondo ng mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporations pampondo sa unprogrammed funds. Salig sa House Bill 9513 na inihain ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, aamyendahan ang RA 11936 o 2023 General Appropriations Act kung saan nagdagdag ng criterion o… Continue reading Sobrang pondo ng mga GOCC, pinagagamit para pagkuhanan ng unprogrammed funds

US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Malugod na tinanggap ni Philippine Army Vice Commander Brig. Gen. Leodevic B. Guinid ang pagbisita ni United States Army Pacific (USARPAC) Deputy Commanding General, Lt. Gen. James B. Jarrard, sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig kahapon. Sa pagpupulong ng dalawang opisyal, napag-usapan ang mga nakalinyang bilateral activity sa pagitan ng dalawang pwersa. Ito… Continue reading US Army Pacific deputy commander, bumisita sa Philippine Army HQ

Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM

Photo courtesy of PNA by Alfred Frias

Mainit ang naging pagtanggap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng mga Pinoy na nagtipon-tipon sa San Francisco Conference Center para sa filcom event. Hindi magkamayaw ang mga Pilipinong nagsama-sama sa pagsalubong sa Punong Ehekutibo na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Amerika na sinadya ang San Francisco para makadaupang palad ang Pangulo. Sa… Continue reading Galing ng mga Pinoy sa Amerika sa iba’t ibang larangan, ibinida ni PBBM

Publiko, pinag-iingat sa mga pekeng programa ng DSWD sa social media

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development na may programa itong “Unemployment Financial Assistance”. Naglabas ng pahayag ang DSWD kasunod ng kumakalat na kahina-hinalang link sa Facebook post at Messenger. Ayon sa post, magbibigay umano ng unemployment financial assistance na $1,000 ang DSWD sa makakasagot sa isang survey. Paglilinaw ng DSWD, walang pinapasagutang survey… Continue reading Publiko, pinag-iingat sa mga pekeng programa ng DSWD sa social media

Pansamantalang paglaya ni dating Sen. de Lima, welcome sa CHR

Welcome sa Commission on Human Rights ang pansamantalang paglaya ng dating CHR Chairperson at Sen. Leila de Lima matapos pahintulutang makapagpiyansa ng Muntinlupa RTC. Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na matagal na nitong hinihiling na agad mapahintulutan ng korte ang bail application ng dating senadora lalo’t napawalang sala na ito sa dalawa sa tatlong… Continue reading Pansamantalang paglaya ni dating Sen. de Lima, welcome sa CHR

Oversight Committee para tugunan ang “sakit” sa healthcare system, itinutulak

Pinabubuo ni Marikina Representative Stella Quimbo ang Kamara at Senado ng isang Joint Oversight Committee upang hanapan ng solusyon problema sa healthcare system ng bansa. Sa House Resolution 1436, sinabi ni Quimbo na hindi maikakaila ang hindi magandang estado ng healthcare system. Sa pamamagitan ng Joint Oversight Committee ay magsasagawa ng pagrepaso at pagsusuri ng… Continue reading Oversight Committee para tugunan ang “sakit” sa healthcare system, itinutulak

PCG, inaalam na rin ang sanhi ng pagkamatay ng tone-toneladang tilapya sa Cavite

Kumuha na rin ng sample ng tubig at patay na tilapya ang Philippine Coast Guard upang alamin ang sanhi ng ‘fish kill’ sa karagatan ng Brgy. 161 Cavite City noong nakaraang araw. Ayon sa PCG, kasalukuyang sinusuri na ng kanilang Marine Environmental Protection ang mga kinuhang sample na dinala sa kanilang laboratory. Bukod sa PCG,… Continue reading PCG, inaalam na rin ang sanhi ng pagkamatay ng tone-toneladang tilapya sa Cavite

Paggawad ng promosyon sa 6 na matataas na opisyal ng AFP, pinangunahan ng AFP Chief

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang paggawad ng promosyon sa susunod na ranggo ng anim na matataas na opisyal ng AFP. Ang mga bagong promote na opisyal ay pinangunahan ni Lt.Gen. Steve Crespillo, ang bagong The Inspector General AFP. Kasama sa mga na-promote sina: MGen.… Continue reading Paggawad ng promosyon sa 6 na matataas na opisyal ng AFP, pinangunahan ng AFP Chief

Panukalang libreng Licensure Exam para sa mga indigent, umusad na sa Kamara

Pinag-isa ng House Committee on Civil Service ang apat na panukala na layong gawing libre para sa mga indigent ang pagkuha ng Licensure Exams. Sakop nito ang mga Licensure Exams sa ilalim ng Professional Regulatory Commission (PRC), Civil Service Exams ng Civil Service Commission, at maging ang Bar Exams ng Supreme Court. Sa paraang ito, mapapalawig ang tulong sa… Continue reading Panukalang libreng Licensure Exam para sa mga indigent, umusad na sa Kamara

Sub-committee on disaster, inaprubahan ang panukala para DRRM workers

Pinagtibay ng House Sub-Committee on Disaster Response ang substitute bill na para sa Magna Carta ng Public Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) workers. 12 panukala ang pinag-isa na layong ilatag ang mga karapatan at benepisyo ng DRRM workers. Kabilang dito ang pagkakaroon ng salary scale para sa DRRM workers, pagpapababa sa bilang ng contract… Continue reading Sub-committee on disaster, inaprubahan ang panukala para DRRM workers