1,600 na European at Asian na mga pasahero sakay ng MV Norwegian Jewel, dumating sa isla ng Boracay

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 1,600 hanggang 2,000 na mga European at Asian na pasahero sakay ng MV Norwegian Jewel ang dumating sa isla ng Boracay, Malay, Aklan ngayong araw.

Pinaka-unang pagkakataon ito ng MV Norwegian Jewel na makabisita sa Boracay.

Ang nasabing cruise ship ay mula sa Taiwan bago ito dumating sa isla at pagkatapos nila sa Boracay tutungo sila sa Manila.

Walong oras ito na naka-angkla sa pantalan kung saan ang ilang dayuhang turista ay nag-island hopping, at ang iba ay naglibot sa mga komersyal na establisyimento at bumili ng mga lokal na produkto sa isla.

Ayon kay Rechan Casidsid ng Malay Tourism Office, ngayong buwan ng Nobyembre, may dalawang iba pang cruise ship na dadaan sa Boracay.

Sa buwan ng Disyembre, may isang cruise ship ang naka-schedule na bibista sa isla. | ulat ni Elena Pabiona | RP Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us