Inaasahan na matatapos na ang unang phase ng LRT-1 Cavite Extension Project sa huling quarter ng 2024.
Kung saan nasa 94.1 percent nang kumpleto ang naturang proyekto at nasa finishing touches na lamang ang bawat stations nito.
Ayon kay LRMC President at CEO Juan Alfonso na ontrack ang kanilang timeline na matapos na ang naturang proyekto sa huling quarter ng susunod na taon.
Dagdag pa ni Alfonso na dadaan sa masusing inspeksyon ang mga bagong track at bagon na dadaan sa naturang phase 1 project upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero bago ito gamitin ng ng publiko
Inaasahan naman aabot sa karagdagang 300,000 passengers ang madadagdag sa pabubukas ng extension project mula Baclaran Station hangang Dr. A. Santos Station sa Parañaque. | ulat ni AJ Ignacio