Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang magkakasunod na engkwentro sa Negros Occidental.
Sa ulat kay AFP Visayas Command (VisCom) commander Lieutenant General Benedict Arevalo, nangyari ang unang engkwentro sa Barangay Yao-Yao, Cauayan sa pagitan ng 15th Infantry Battalion at Southwest Front sa ilalim ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR NCBS).
Sinundan ito ng ikalawang engkwentro sa naturang barangay habang hinahabol ng tropa ng gobyerno ang mga tumatakas na NPA.
Makalipas lang ang ilang minuto, sumiklab ang ikatlong engkwentro sa bisinidad pa rin ng nabanggit na barangay, habang patuloy na tinutugis ng militar ang mga kalaban ng gobyerno.
Narekober sa lugar ang M16 rifle, M14 rifle, Cal. 45 pistol, Anti-Personnel Mine, iba’t ibang bala, medical kit, personal na gamit at mga dokumento.
Pinuri ni Lieutenant General Arevalo mga tropa sa matagumpay na operasyon, kasabay ng muling paghikayat sa mga nalalabing miembro ng kilusang komunista na magbaba na ng armas at magbagong-buhay na sa tulong ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne
📷: VISCOM