2 SONA priority measure, umusad na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa lusot na sa Ways and Means Committee ng Kamara ang dalawa sa SONA priority measure ng Marcos Jr. administration.

Inaprubahan ng komite ang tax provision ng unnumbered substitute para sa panukalang Revised Cooperative Code of the Philippines.

Sa ilalim nito ang mga agriculture cooperatives ay exempted na sa Customs duties, advance sales, o compensating tax sa importation at lokal na pagbilo ng equipment at makinarya

Hindi naman ito maaaring ipagbili o ilipat ng ownership sa loob ng limang taon.

Kung lumabag, magbabayad sila ng doble ng tax o duties na dapat ay ipinataw dito.

Ipinagtibay na rin ang Revenue Provision ng Motor Vehicle Road User’s Tax o yung dating Motor Vehicle Road User’s Charge, kung saan itataas ang tax rates upang pondohan ang Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ang makokolektang buwis dito ay idadagdag din sa taunang budget na inilalaan sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa road infrastructure construction at rehabilitation.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us