Inilunsad ng Department of Science and Technology-National Capital Region (DOST-NCR) kasama ang Colegio de Muntinlupa (CDM), ang 2023 Muntinlupa City Robotics Fair and Exhibits.
Ito ay bilang bahagi ng patuloy na hakbang upang hikayatin ang mga kabataan sa pag-aaral at paggamit ng mga makabagong teknolohiya.
Nakaangkla ito sa temang “Harnessing Industry 5.0 through Human-AI Collaboration toward Smart, Green, and Sustainable Development.”
Nakatuon ito sa papel ng robotics sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng mga sustainable na lungsod bilang pangunahing bahagi sa Sustainable Development Goals (SDG) 2030.
Tampok dito ang iba’t ibang aktibidad kabilang ang robotics competition, robotics exhibit, robotics cosplay, 3D printing competition, seminars, workshops, at quiz bee. | ulat ni Mary Rose Rocero