209 katao, inilikas sa Uson, Masbate dahil sa pagbaha bunsod ng shearline

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ulat ng Office of Civil Defense 5, may 209 na katao o 58 na mag-anak, ang inilikas sa dalawang barangay sa Bayan ng Uson, Masbate dahil sa pagbaha, dulot ng shearline ngayong araw.

Sa Brgy. Magsaysay may 42 na mag-anak o 134na inidibidwal ang lumikas.

Pansamantalang nakatira ang mga ito sa San Lorenzo Ruiz Parish, Buenavista, Uson, Masbate.

Sa Brgy. Buenavista may 16 na mag-anak o 76 na katao ang inilikas. Nanunuluyan ang pansamantala ang mga ito sa Uson Evacuation Center/Isolation Facility, Buenavista.

Iniulat rin na may 267 na mag-aanak ang naapektuhan ng pagbaha sa lugar.| ulat ni Nancy Medialvillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us