24 lugar sa Eastern Visayas, isinailalim sa ‘state of calamity’ dahil sa pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lubog pa rin sa baha ang 182 na lugar sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa epekto ng shear line at low pressure (LPA).

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawang lugar ang baha sa MIMAROPA, 41 lugar sa Western Visayas, at 139 lugar sa Eastern Visayas.

Habang 92 kalsada at apat na tulay ang naapektuhan ng pagbaha, kung saan ilan ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista.

Naapektuhan rin ang 103 kabahayan, kung saan 16 ang ‘totally damaged’ at 87 ang ‘partially damaged’.

Patuloy na inaalam ang halaga ng epekto ng pagbaha sa ilang rehiyon.

Samantala, isinailalim na sa state of calamity ang 24 lungsod at munisipalidad sa Eastern Visayas dahil sa naranasang pagbaha. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us