260 wanted persons, naaresto ng QCPD sa pinaigting na manhunt operations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa loob lang ng isang buwan mula Oktubre 1 hanggang 31, 2023, aabot sa 260 wanted persons ang naaresto ng Quezon City Police District.

Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, resulta ito ng pinaigting na manhunt operations ng iba’t ibang police stations ng QCPD.

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 96 dito ang Most Wanted Persons at 164 ang iba pang nahuli sa bisa ng warrant of arrests.

Ayon kay General Maranan, ang Novaliches Police Station (PS 4) ang may pinakamaraming bilang ng naarestong wanted persons.

Sinundan ng Talipapa Police Station (PS 3) at Batasan Police Station (PS 6) habang ang Project 6 ang pangatlong may maraming naarestong wanted persons.

Bunga nito, pinuri ni General Maranan ang iba’t ibang police stations at units ng QCPD dahil sa matagumpay na manhunt operations na nagresulta ng pagkaaresto ng mga taong matagal nang pinaghahanap ng batas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us