31st National Children’s Month celebration, pormal nang binuksan ngayon sa House of Representatives

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ng House Committee on Welfare of Children ang 31st National Children’s Month Celebration sa House of Representatives.

Sa kanyang talumpat, binigyang diin ni Committee Chair at BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co ang mahalagang papel ng Kamara sa paghubog ng mga bata.

Aniya, ito ay sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga patakaran at programa para sa kapakanan ng mga bata upang maging positibo ang kanilang impact sa lipunan.

Hinimok naman ni dating Committee on Welfare of children Chairperson Yedda Romualdez ang mga kapwa mambabatas na bigyang kapangyarihan at proteksyunan ang karapatan ng mga bata.

Ang ribbon cutting ceremony para sa art exhibit ay bahagi ng pagdiriwang ng Children’s Month. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us