Nasa 37 draft resolutions ang tatalakayin sa tatlong araw na diyalogo ng mga delegado ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) na nagsisimula na ngayong araw.
Sa mga resolusyong ito, 10 ang tungkol sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga parliament para sa pagtatatag ng peace at stability; lima para sa paglaban ng transnational crimes; tatlo tungkol sa critical infrastructures; apat para sa human development and inclusive growth; apat ukol sa regional cooperation sa pamamagitan ng education and culture; dalawa sa illaim ng universal health care; apat sa ilalim ng gender and sustainable development goals; at lima sa ilalim ng women’s participation and leadership.
Ipinaliwanag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na sa mga working group at drafting committee ay pag-iisahin nila ang mga magkakatulad na resolusyon, at magtutulungan ang parliamentarians para makagawa ng aksyon na magiging paborable para sa lahat ng partido.
Sa huling araw ng kanilang annual meeting, sinabi ni Zubiri na maglalabas sila ng isang joint communiqué na sasalamin sa mga napag-usapan sa APPF31.
Pipirmahan ito ng heads of delegation, at magsisilbing guiding document para sa kanilang multilateral cooperation at partnerships sa hinaharap. “It’s to strengthen the capacity of parliaments, this exchanges between countries. Itong ginagawa nating forum na ito para palakasin natin ang mekanismo para kung may konting gusot sa ating mga bansa, kami na mismong parliamentarians ng mga bansa na nagkakaroon ng gusot ay kaya na naming ayusin pag usapan hanapan ng solusyon ang mga problemang ito.”| ulat ni Nimfa Asuncion