$400-M deal na nakuha ni PBBM, makatutulong para pagandahin ang internet access sa bansa at makalikha ng dagdag na trabaho

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong masungkit ang $400 million deal sa pagitan ng Filipino firm na HTECH Orbits at American satellite operator Astranis.

Target nitong mailunsad ang kauna-unahang national satellite ng Pilipinas sa 2024 na magbibigay ng maaasahan at abot-kayang internet sa may dalawang milyong Pilipino sa may 5,000 komunidad.

Inaasahan na ilulunsad naman ang ikalawang satellite sa 2nd quarter ng 2025 na mabebenepisyuhan ang nasa 30,000 higit na barangay na wala pang internet connection.

“The forging of this game-changing agreement is a historic achievement and a testament to the visionary leadership of President Marcos and his commitment to advancing the nation’s technological capabilities. This initiative is not just about technological advancement but also about empowering our people to foster inclusive development. The connectivity provided by these satellites will create jobs, catalyze economic growth, improve access to education and healthcare, and create new opportunities for Filipinos in every corner of the archipelago,” sabi ni Romualdez.

Ani Romualdez, maliban sa dagdag na trabaho, mas maayos na access sa edukasyon at pinalawak na healthcare at telemedicine na bubuksan dahil sa mas pinalakas na koneksyon ay maisasakatuparan aniya ng kasunduan ito ang kaunlarang nilalayon ng Internet Transaction Act na inaasahang malalagdaan na ng Pangulo.

Punto pa ng lider ng Kamara na ang dagdag na 3,000 hanggang 6,000 satellite service ay mangangailangan ng infrastructure development na siyang magpapasigla sa economic activity ng bansa.

“The economic significance of this $400 million investment and satellite launch initiative lies not only in the immediate benefits of job creation and infrastructure development but also in the long-term potential to position the Philippines as a hub for space technology, stimulate economic growth in underserved regions, and enhance the country’s overall competitiveness on the global stage,” dagdag ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us