Positibo ang lider ng Kamara at Senado na maganda ang bid ng Pilipinas para makakuha ng non-permanent seat sa UN Security Council.
Sa pagtatapos ng 31st Asia Pacific Parliamentary Forum o APPF, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na ‘on a roll’ ang Pilipinas sa pagkuha ng suporta para sa candidature sa UN Security Council.
Ayon naman kay Senate President Migz Zubiri, nakakuha ng isa pang suporta ang Pilipinas mula sa isang bansang kasapi ng APPF.
Kaya naman nasa 17 na ang mga bansang sumusuporta sa Pilipinas.
Sinabi pa ni Speaker Romualdez, malaking dibidendo na para sa bansa na makakuha ng pwesto sa UN Security Council at nakatulong dito ang matagumpay na hosting natin ng APPF.
“So ‘yun lang po, malaking dibidendo na ‘yan sa Pilipinas na makuha natin ang bagay na mga seats sa UN Security Council kaya napakaganda nitong event na ito.” sabi ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes