Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na personal nilang napag-usapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isyu tungkol sa panawagan ng ilang mambabatas na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng international criminal court (ICC) tungkol sa war on drugs ng Duterte administration.
Ang pahayag na ito ni Dela Rosa ay kasunod ng naging salu-salo kagabi ng mga senador kasama si Pangulong Marcos sa Malakanyang.
Hindi naman na idinetalye ni Dela Rosa ang napag usapan nila ni Pangulong Duterte pero tila naging positibo ito base sa pahayag ng senador.
Ngayong araw ay tinalakay na ng kamara ang mag sresolusyon na nananawagang makipagtulungan ang gobyerno sa ICC investigation.
Habang sa Senado naman ay naghain na rin ng kaparehong resolusyon tungkol dito si Senadora Risa Hontiveros.
Matatandaang si Senador Bato ang isa sa mga subject ng ICC investigation bilang siya ang tumayong hepe ng PNP nang ilunsad at ipatupad ang war on drugs ng Duterte admin.
Samantala, giniit muli ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi dapat hayaan ang mga dayuhan na makialam sa judicial system ng Pilipinas.
Dapat aniyang magtiwala sa judicial system ng Pilipinas at hindis dapat ang mga dayuhan ang magtukoy kung sino ang iimbestigahan, kakasuhan at hahatulan sa ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion