41 motorsiklo, in-impound ng LTO sa pagsisimula ng ‘No Registration, No Travel’ policy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 41 motorcycle riders ang nasampolan ng Land Transportation Office (LTO) sa pagsisimula ng pinahigpit na implementasyon nito ng “No Registration, No Travel” policy.

Ayon sa LTO, karamihan ng mga nahuling delinquent motor vehicles sa kanilang operasyon kahapon ay mula sa Metro Manila

Ang mga nahuling driver ay inisyuhan ng citation tickets habang diretso naman sa impound ang kanilang mga motorsiklo.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, simula pa lang ito ng kanilang agresibong kampanya laban sa mga hindi rehistradong motor vehicles.

Una nang iniulat ng LTO na mula sa 24.7 milyong delinquent vehicles sa bansa, mayorya nito o nasa 20 milyon ang mga motorsiklo.

Magpapatuloy naman aniya ang deployment ng kanilang mga tauhan mula sa LTO-Law Enforment Section (LES) lalo sa mga kalsadang maraming dumadaang motorsiklo kabilang ang Katipunan Avenue at Aurora Boulevard.

Inatasan na rin nito ang mga LTO Regional Directors na makipagugnayan sa PNP Regional Offices at traffic enforcement units ng LGUs para mapaigting ang “No Registration, No Travel” policy.

“The operation we conducted in Metro Manila should serve as a warning to all delinquent motor vehicle owners to register them in the soonest possible time. Huwag na ninyong hintayin pa na mahuli kayo dahil mas malalang problema ang kakaharapin ninyo,” pahayag ni Mendoza. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us