5-year fixed term para sa mga opisyal ng barangay at SK, ipinapanukala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Agusan del Norte 2nd District Representative Dale Corvera ang House Bill 9557, para mabigyan ng 5-year term limit na may two consecutive terms ang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Ito aniya ay para mahinto na rin ang pagpapaliban sa BSK elections, at mabigyan sila ng pagkakataon na magampanan ang kanilang mandato.

Sa kasalukuyan may tatlong taong termino ang kada BSK officials na may term limit na tatlong magkakasunod na taon.

“The adjustment of the term of office from 3 to 5 years will hopefully concretize ‘genuine periodic elections’ for barangay and SK officials as well as minimize election expenses which our country incur due to frequent elections.” diin ni Corvera

Paliwanag pa ng mambabatas, na masyadong maiksi ang tatlong taong panunungkulan dahil sa ang unang taon parang orientation period lang, at pagsapit ng ikanilang ikalawang taon ay naghahanda na para sa re-election.

Bunsod nito, naaantala ang mga programa at proyekto para sa barangay, sa nakalipas na mga panahon ay nagiging mas mahalaga gaya ng inobasyon ng DILG at DSWD na maipatutupad sa grassroots level.

“The 3-year term of the barangay and SK officials is very short for deserving officials. They should be given enough time to be able to finish their priority projects or programs for the barangay and prove themselves worthy to the office to which they were elected” sabi pa ni Corvera | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us