Lumapag sa Pilipinas ang Emirate Airways Flight EK 336 sakay ang 6 na Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Lebanon eksaktong 6:20 ngayong umaga.
Ang mga OFW ay umuwi sa Pilipinas kasunod ng ipinatupad na voluntary repatriation makaraang itaas ang alert level 3 sa Lebanon dahil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng grupong Hezbollah at Israel.
Ang 6 na OFW ay personal na sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
Ayon kay OWWA Administrator ArnelL Ignacio, ang anim na OFW ay tumanggap ng tig-P120,000 na financial assistance.
Habang bibigyan Rin sila ng pansamantalang matutuluyan sa maynila at pamasahe pauwi ng kani-kanilang probinsya.
Bukod pa dito ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development at Technical Education and Skills Development Authority. | ulat ni AJ Ignacio