65% ng PUV units, nakapag-consolidate na — LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umabot na sa 65% ang mga Public utility Vehicle (PUV) units sa bansa na nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Katumbas na ito ng kabuuang 129,568 consolidated units ng PUJs, UV Express, Mini Bus, at mga bus.

Ayon sa LTFRB, mayroon na lamang 34.97% ang natitira pang hindi nakasama sa isang kooperatiba o korporasyon na binubuo ng 69,665 individuals franchise holders.

Una nang nilinaw ng LTFRB na ang nakatakdang palugit sa December 31 ay para lamang sa Industry Consolidation na kabilang sa 10 components ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa ilalim ng PUVMP, kinakailangang sumali o bumuo ng isang kooperatiba o korporasyon ang mga tsuper o operator bilang unang hakbang tungo sa hangarin ng pamahalaan na makamit ang ligtas at abot-kayang pampublikong transportasyon sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us