$672-M investment pledges, nakuha ni PBBM sa kanyang partisipasyon sa 30th APEC Economic Leaders’ Meeting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa $672,300,000 ang nakuhang investment pledges ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng kanyang matagumpay na pakikilahok sa 30th Leaders’ Meeting sa San Francisco, California.

Ang mga pangakong puhunan na nakamit ni Pangulong Marcos Jr. ay ang sumusunod: $400 million para sa sektor ng telekomunikasyon; $250 million ay mula sa semi-conductor at electronics industry; $20 million mula sa pharmaceutical at healthcare; $2 million para sa artificial intelligence at weather forecasting; habang nasa $300,000 naman ang nakuhang pledge para sa renewable energy.

Nakamit din ni Pangulong Marcos ang mga malalaking pangako sa pagsulong ng teknolohiya sa mga pangunahing prayoridad na sektor sa Pilipinas, kabilang ang pag-deploy ng unang dalawang Internet MicroGEO satellites na inilaan para sa Pilipinas.

Nakakuha din ang Pangulo ng mga pangako sa larangan ng teknolohiya, partikular sa pagbuo ng pinakamalaking AI-driven weather forecasting program sa Asya para sa Pilipinas na magpapalakas sa kakayahan ng bansa laban sa pagbabago ng klima sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) at kumpanya mula US. | ulat ni Alvin Baltazar

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us