9 na LGU sa Albay, nagsuspinde ng klase dahil sa epekto ng Shear line at LPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-utos na ng suspension ng klase sa lahat na antas sa pribado at pampublikong paaralan ngayon araw, ang siyam na local government units o LGUs sa lalawigan ng Albay, alinsunod sa Disaster Risk Reduction Council Advisory ng mga ito, gaya ng lungsod ng Legazpi, Ligao, mga bayan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Sto Domingo, Polangui, at Oas.  Inaasahang susunod rin ang ibang bayan at lungsod sa probinsiya na hindi pa nag-utos ng suspension of classes.

Ang naging desisyon ng nasabing mga LGUs ay salig sa weather update ng PAGASA  ukol sa Shear Line, at low pressure area o LPA.

Pinapayuhan ang lahat na barangay, at mga nakatira malapit sa ilog, at mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa, at lahar flow na maghanda sa posibleng  paglikas sa mas ligtas na lugar.

Bawal narin pansamantala ang mga tourism activities gaya ng pagtawid sa ilog, pag-akyat sa mga bundok, gaya ng Bulkang Mayon. Gayundin, ang paglalayag ng mga maliit na sasakyang pandagat. | via  Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us