Arestado ang isang 62-anyos na abacalero sa barangay Almojuela, Viga, Catanduanes dahil sa paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatakas ang isa pang kasamahan nito nang matyempuhan sila ng mga pulis bandang 5:20 kahapon, Nobyembre 28, sa isinagawang intelligence monitoring kontra iligal na gawain sa lugar ng Viga MPS intel operatives.
Nakumpiska mula sa mga ito ang mga iligal na pinutol na kahoy na kinabibilangan ng 8 piraso ng 2X6X10″ apnit, 2 piraso ng 2X6X11.75” apnit na may kabuuang sukat na 43.5 board feet at estimated market value na Php4,350.00.
Nasa kustodiya na ng Viga MPS ang naarestong suspek para sa tamang disposisyon habang patuloy naman ang paghahanap sa tumakas na isa pa. | ulat ni Juriz Dela Rosa, RP1 Virac
📸Viga MPS