Bumuo ang Kamara ng isang ad hoc committee na siyang mangunguna sa pag-aaral sa posibleng paglipat ng lokasyon ng House of Representatives.
Kasunod ito ng pagpapatibay ng House Resolution 1390.
Dito itinutulak ang posibleng paglipat ng HREP building sa Taguig o BGC upang mas maging malapit sa bagong building naman ng Senado para sa mas epektibong komunikasyon.
Itinalaga bilang Chair ng ad hoc committee si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na isa sa pangunahing naghain ng resolusyon.
Magsisilbi namang Vice Chairs sina Senior Deputy Speaker Aurelio Dong Gonzales, Quezon Rep. Jayjay Suarez at Surigao del Norte Rep. Ace Barbers.
Miyembro naman ng Komite sina Reps. Mercedes Alvarez, Johnny Pimentel, Joboy Aquino, Jesus Madrona, Angelica Natasha Co, Brian Yamsuan, Toby Tiangco, JJ Romualdo at Deputy Speaker Roberto Puno. | ulat ni Kathleen Jean Forbes