Administrasyong Marcos, puspusan na sa hakbang kontra gutom at kahirapan — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagal nang nakatutok ang pamahalaan upang matugunan ang gutom at kahirapan sa bansa.

Ito ang ipinunto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kasama sa nangungunang ahensya sa pagtugon sa kahirapan.

Matatandaang lumabas kamakailan sa SWS survey na 48% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bago pa lumabas ang survey ng SWS, doble kayod na ang administrasyong Marcos kontra kagutuman at kahirapan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit iba’t ibang programa na ang nailunsad ng DSWD, kabilang dito ang Food Stamp Program (FSP) na nagbibigay ng electronic benefit transfer cards (EBT) sa mga pamilyang pasok sa food-poor criteria.

Sa ngayon, ongoing na ang pilot implementation ng programa sa Tondo, Cagayan Valley, Bicol, Caraga, at BARMM na palalawakin pa sa 2024 hanggang maabot ang isang milyong mahihirap na pamilya.

Bukod dito, patuloy rin ang rollout ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nakatutok sa kapakanan ng 4.4 milyong mahihirap na sambahayan.

Pagtitiyak naman ng DSWD, patuloy itong magsisikap para makamit ang target na maiangat sa kahirapan ang mayorya ng mga Pilipino.

“This DSWD vision is coupled with the mission to lead in the formulation , implementation, and coordination of social welfare and development policies and programs for and with the poor, vulnerable and disadvantaged,” ani Secretary Gatchalian. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us