AFP Chief nagpasalamat sa suporta ng Pransya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa pagsuporta ng Pransya sa Pilipinas sa gitna ng mga iligal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ang pasasalamat ay ipinaabot ni Gen. Brawner kay French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel sa courtesy visit nito sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ibinahagi din ni Gen. Brawner sa Embahador ang mga prayoridad at aksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, kapwa nilang pinagtibay ang pangmatagalang “partnership” ng Pilipinas at Pransya at ang obligasyon ng dalawang bansa na itaguyod ang international law.

Sinabi ni Gen. Brawner na umaasa siya sa mas marami pang “engagement” sa pagitan ng Pilipinas at Pransya sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

📷: TSg Obinque/PAOAFPafp chief nagpasalamat sa suporta ng pransya

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us