Nagbukas ngayong umaga ang Leadership Summit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mabalacat City, Pampanga.
Ito ay may temang “Leading transformation towards peaceful environment.”
Ang aktibidad ay inorganisa ng AFP Education Training and Doctrine Command (AFPETDC) katuwang ang Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).
Kabilang sa mga panauhin sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., at AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr.
Gayundin ang ilang opisyal mula Major Service Command ng AFP at mga miyembro ng Media.
Inaasahang tatalakayin ang mga usapin sa peace process, disaster resilience, national security at iba pa. | ulat ni Leo Sarne