AFP Visayas Command, nagsagawa ng Humanitarian Assistance & Disaster Response ops sa Eastern at Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) sa gitna ng pagbaha sa ilang lugar sa Eastern at Northern Samar. 

Ayon kay VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, 28 HADR Teams ang idineploy para magsagawa ng pre-emptive evacuation, search and rescue, road-clearing operations, at paghahatid ng mga relief goods.

Kabilang dito ang HADR Teams ng 803rd Infantry Brigade sa ilalim ng Joint Task Force Storm na nakapagligtas ng 50 pamilya o 312 na mga indibidwal sa Catarman, Samar.

Ang HADR Teams naman ng 3rd Infantry Battalion at 19th Infantry Battalion katuwang ang local Disaster Risk Reduction and Management Office ang nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga apektadong residente ng Las Navas at Pambujan sa  Northern Samar.

Habang ang HADR Teams ng 43rd Infantry Battalion ang nagsagawa ng road-clearing operations sa Catarman at Mondragon, Northern Samar, at namahagi ng ayuda sa mga apektadong residente.  | ulat ni Leo Sarne

📸: VISCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us