Aftershocks kasunod ng magnitude 6.8 na lindol sa Davao Occidental, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakararanas pa rin ng aftershocks ang ilang bahagi ng Davao Region kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani noong Biyernes.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), as of 8am ay mayroon nang higit 100 aftershocks ang naitala.

Nasa62 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang may limang pagyanig ang naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 4.3.

Una na ring sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan pa ang mga aftershock kasunod ng may kalakasang pagyanig sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us