Agham at BIR Road sa QC, opisyal nang papalitan bilang Sen. Miriam Defensor Santiago Avenue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ngayon ang Quezon City Local Govt. na pansamantalang isasara sa publiko ang bahagi ng BIR Road at East Avenue simula mamayang alas-9 ng gabi hanggang bukas, November 11 ng alas-8 ng gabi.

Ito ay para sa isasagawang seremonya ng opisyal na pagpapalit ng pangalan ng Agham at BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue.

Ayon sa LGU, kasama sa apektado ng road closure ang bahagi ng BIR Road papuntang Quezon Ave, mula sa bahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas hanggang PAGASA Science Garden. Kabilang sa isasara ang bike lane at service road.

Isasara rin ang bahagi ng bike lane sa East Ave. malapit sa entrada ng BIR Road. Inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta.

Mananatili namang bukas sa trapiko ang kabilang bahagi ng BIR Road papuntang East Ave.

Kasunod nito, tiniyak ng QC LGU na magdedeploy ito ng mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Order and Safety (DPOS) para maisaayos ang daloy ng trapiko sa paligid ng lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us